
Malaya Ka, Pilipinas! Lyrics
- Genre:Folk
- Year of Release:2022
Lyrics
Ika'y nilikha sa mundong malaya
Taglay mo ang kayaman
Dulot ng Diyos Dakila
Ngunit dayuhan ay naakit
Bansa'y nabitag ka
Kalayaan Nawala
Hirap pa ang napala
Sa ilalim ng banyaga
Ika'y nagdurusa
Sa agos ng luha mo
Ang Diyos ay naawa
Mga bayaning hinango
Sa pawis at dugo
Kalayaan ang sigaw ng bayan ko
Malaya ka Pilipinas
Tapat at dakila ang puso mo
Hangarin mo ang langit
Lumipad kang pataas
Tulad ng agilang may angking lakas
Bumangon ka, Pilipinas
Mithiin mo ay matatamo
Harapin mo ang hamon
Ng panibagong mundo
Kaya mo, bayan ko, Pilipinas
Ang sinag ng araw
Sana'y matatanaw
Sa Luzon Visayas hanggang sa Mindanao
Sa tulong ng Maykapal
Kaunlaran ay maabot mo
Kalayaan ang himig ng puso mo
Malaya ka Pilipinas
Tapat at dakila ang puso mo
Hangarin mo ang langit
Lumipad kang pataas
Tulad ng agilang may angking lakas
Bumangon ka, Pilipinas
Mithiin mo ay matatamo
Harapin mo ang hamon
Ng panibagong mundo
Kaya mo, bayan ko, Pilipinas
Kaya mo, bayan ko, Pilipinas
Kaya mo, bayan ko, Pilipinas