DAHIL NAGMAMAHAL Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:1993
Lyrics
Dahil Ikaw, Ama, ang unang nagmahal
Kaya dagli akong sa 'yo tumalima
Paano ko tatanggihan ang pag-ibig Mong laan
Kung dalisay ang Iyong hangad sa akin nuon pa man
Nguni't kay rupok ng puso kong ito
Sadya Kitang nalimot sa sala'y nalugmok
Gayun pa man katulad ko'y inibig Mo pa rin
Ninais Mong maibalik ako sa 'yong piling
Kahit tanging Anak Iyong ibinigay
Sa aking kaligtasan buhay Niya'y inalay

Dahil Ikaw, Ama, ay nagmamahal