
Tama Ka Na Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2024
This song is not currently available in your region.
Lyrics
O nalinawan ka na ba sa lahat ng iyong ginawa dati sa akin mahal
O pinagsisihan mo na ba na di dapat binalewala ang pagkakataon na binigay sayo
Wag mong sabihin na hindi sinasadya kasi alam mo naman na ikaw ang may pakana diba?
Babalik-balik, aalis-alis kapag nawala tyaka lang mamimiss, ano ba ang problema mo
Gusto palagi makaramdam ng kilig
pero sa akin lagi ka nanlalamig, ano nga ba ang totoo?
Mahal mo ba talaga ako, o sadyang gusto mo lang na may nagmamahal sayo
Bakit di mo kayang panindigan ang iyong mga binitawang salita, magaling ka lang ba sa umpisa?
Kay tagal tagal na rin ang nilaan na panahon para lang malaman kung may pagkakataon ba sa ating dalawa bakit nga ba hindi mo mabigyang kahulugan ang ating ugnayan puro nalang ba salita walang patutunguhan
Nasaan na ang plano ba't wala na tayo
Magsusugal parin ba ako kahit alam ko namang talo
Wag ng babalik kung aalis ka rin pagod narin akong ika'y intindihin, nakakasawa na ayuko na maging marupok pa sayo, di na muling iikot ang mundo sayo
Mahal mo ba talaga ako, o sadyang gusto mo lang na may nagmamahal sayo
Bakit di mo kayang panindigan ang iyong mga binitawang salita
Magaling ka lang ba sa umpisa?
Mahal mo ba talaga ako o sadyang gusto mo lang na may nagmamahal sayo
Bakit di mo kayang panindigan ang iyong mga binitawang salita
Magaling ka lang ba sa umpisa?