Wish Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2024
Lyrics
Naaalala mo pa ba
Ang ating pagsasama
Sa gitna ng luha at saya
Tuwing pumapatak ang luha mo
Lagi akong nandito
Para ibigay lahat sa'yo
Sana'y di magbago
Ang ikot ng mundo
Para sa akin at sa'yo
Pangako mahal ko
Hindi pwedeng manloko
Puso ko'y iyong iyo
Maraming nagsasabi, di tayo tulad dati
Pero iisa lang ang wish ko sa iyo
Bumalik ka nanaman, di kita kayang iwanan
O please lang aking mahal, pag-ibig ko'y ipaglalaban
Di iikot ang mundo, kapag wala ang tulad mo
Sa buhay ko, ito ang wish ko sa iyo
Di pwedeng mapagod
Ang puso kong bato
Sa kakaisip sa iyo
Ikaw lang talaga
Ang iibigin ko
Hanggang magunaw ang mundo
Ikaw ang kailangan, hindi ka susukuan
Iisa pa rin ang wish ko sa iyo
Bumalik ka nanaman, di kita kayang iwanan
O please lang aking mahal, pag-ibig ko'y ipaglalaban
Di iikot ang mundo, kapag wala ang tulad mo
Sa buhay ko, ito ang wish ko sa iyo
Hindi ko maintindihan
Kung bakit ka nagkaganyan
Iniwan mo ako sa gitna ng daan
Di ka man lang nagpaalam
Puso ko ay nagdaramdam
Pag-ibig ko sana'y iyong mapakinggan