![Manatili ft. Agape Lv](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/06/20/39fd4457f4c54f6c83afb69402475a2a_464_464.jpg)
Manatili ft. Agape Lv Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Alam ko tayo'y magulo mahirap ng ayusin
Diba ayaw mo narin kahit hindi aminin
Nahihirapan kana din bakit hindi sabihin
Siguro nga hindi na talaga 'to para satin
Sinugal ko lahat ng meron at tinaya ko
Kung sakali man matalo walang pinagbago
Kadalasan ay sa mga plano lang panalo
Sinusugal ang mga puso kahit delikado
Di man kayang hintayin ang pagkakataon
Na sanay manatili tayo pagnagkataon
Sa tamang panahon baka hindi pa ngayon
Na ang mga sana ay ilaban kahit na ganon
Kaya sana manatili ka kung para sakin ka
Talagang hindi na'ko maghahanap pa ng iba
Kaya sana nanatili ka parin, lagi mong alamin
Ang problema lagi lang yan dadating
Pag alis mo sakin ay hindi nalang iniinda
Mabigat na pangyayari lagi lang dala dala
Diba nahihirapan kana din, di kayang tiisin
Kaya di'na para pa kunsintihin ka na intindihin
Oh paulit ulit ikaw guni guni
Nakaraan natin laging tinatabi
Nananabik mangyari to ulit tadhana ay kinukulit
Na ibigin ka uli
Makita kita muli
Makasama makayakap saking huling sandali
Naiwang sugat ay mag isang ginagamot
Oh hiling ko wag naman sanang ipag damot
Ang kamay mo na noon ko pa hinihingi
Pano ba hulihin iyong kiliti
Palaging tunaw sa iyong kada ngiti
Kaya ito lang ang tangi kung hiling
Kaya sana manatili ka kung para sakin ka
Talagang hindi na'ko maghahanap pa ng iba
Kaya sana nanatili ka parin, lagi mong alamin
Ang problema lagi lang yan dadating
Pag alis mo sakin ay hindi nalang iniinda
Mabigat na pangyayari lagi lang dala dala
Diba nahihirapan kana din, di kayang tiisin
Kaya di'na para pa kunsintihin ka na intindihin
Kung nanatili ka sana 'di tayo ganto
Kung sakin ka lang nakinig di'ka malilito
Kinaya ko na ng wala ka yan ang totoo
Kung nanatili ka sana (oh)