
VIP Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
This song is not currently available in your region.
Try the alternative versions below.
Alternative versions:
Lyrics
Akala mo maangas ka?
Daming nakakakita
Sa iyong mga mata
Sabi mo maayos ka
Madaling makausap
Ngunit nasa’n ka?
Ang dami-dami nang nakaka-alam na
Wala ka naman talagang isang salita, ah
Atras-abante ‘di alam kung sa’n papunta
Aan’hin ko ang pangako mo kung ‘di ka masukat
Ang tao sa paligid pa ang mahihirapan
Ano pa bang pruweba ang iyong kailangan?
Alam na naming ‘di mo kaya na manindigan
Sa’yo walang-wala talagang maaasahan
Akala mo maangas ka?
Bigla kang magpapakita
Kung kailan mo lang gustong pumunta
‘Di mo ba naririnig?
Mga tao sa paligid
Nagsasabi “Umupo ka muna diyan sa tabi!”
Oh, Ano,
Ayos lang ba diyan?
Huminahon, 'di kita naiintindihan
Kilos mo napaka-bagal, pakibilisan
Nakakapagod pang kausap, laging palaisipan
Isa pa, 'di kita ma-tansiya, 'kala mo ba?
Sino ka umasta? 'Di ka pa kilala
Kita na sa mata ng mga madla
Hindi ka na dapat nandito, upo sa tabi, tapos ang gabi, dahil
Ang dami-dami nang nakaka-alam na
Wala ka naman talagang isang salita, ah
Atras-abante ‘di alam kung sa’n papunta
Aan’hin ko ang pangako mo kung ‘di ka masukat
Ang tao sa paligid pa ang mahihirapan
Ano pa bang pruweba ang iyong kailangan?
Alam na naming ‘di mo kaya na manindigan
Sa’yo walang-wala talagang maaasahan
Akala mo maangas ka?
Bigla kang magpapakita
Kung kailan mo lang gustong pumunta
‘Di mo ba naririnig?
Mga tao sa paligid
Nagsasabi “umupo ka muna diyan sa tabi!”
Umupo ka muna diyan sa tabi
No no, oh, oh
No no, oh, oh
Umupo ka muna diyan sa tabi!
No, oh, oh
No, oh, oh
Walang madadating kung ‘di mo kaya na sundin
Ang mga tagubilin sa mundo
(tagubilin sa mundo)
Diyan ka sa tabi, itikom ang bibig
Dahil wala nang gustong makinig sa’yo
Akala mo kasi kung sino ka,
Tingin mo sa’yo umiikot ang mundo
Pwes, diyan ka sa tabi, itikom ang bibig
Dahil wala nang gustong makinig sa’yo