PAKYUKA 2.0 ft. Rekognize & Jonas Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
May sarili na galaw kaya hiwalay kailanman di umayaw o bumigay
Hanggang makitang matanaw matangay inyong mga pananaw masabay
Kita sa bawat lapat sa minuto wag munang bilangin ang sigundo
Dahil kung di mo trip matutu isaa ka sa mga sakit sa ulo na nandidito.
Dugo at pawis ang puhunan para lang may matutunan sinugal ang mga oras sandali
Hanggang sa aking natutunan malaki ang pagkukulang panahon nilalaan para bumangon magwagi ️ ️ ️ ️
Tara tayo magbawi sa pagkadapa para muna sa tabi pag nawala
Bumalik nalang uli pag nakapa dibale nako sa huli basta may gawa
Yong ngawa ng ngawa nawala nag-wala naggala nadala halata malata
Babala kakasa bababa kakana mamaya babaha
Malala talaga basta tinta di ako natakot sa linta
Kahit pumalibot sa gitna kaya kung umikot sa likha.
Ito ang gitnang daliri
PAKYUKA
sa dami ng pweding mapili
BAT AKO PA
Di mo man lang na isip
Kung ganu ba ka init
Ang kayang ibuga
Pag di na ko nag-patawa
Di ko inabot ang mga naabot ko para lang ipamuka sa inyo lahat ang
Mga napala sa kabila ng pang mamaliit nagawang mapalaki at nagawang makalamang
Sa mga, nakatingin sakin ng Paibaba di ko kinailangan ng nang hila paibaba
Nagawang makarating sa nais ko na puntahan habang ang mga mata nyo sakin nakatingala
Sa dami ng Pinagdaanan ay pinag hirapan ko Na mangapa sa dilim
Mga tumatawa sakin ngayon nakatingin sa bunga ng mga tinanim
Maraming nagsusumiksik na ng pilit Nag uunahan sakin maka paligid
Mga dating walang bilib ngayon nakapalibot kaya pala napaka init
Habang! may ilan parin dyan na nag aabang sa akin na ako ay madapa
Sa dami na ng aking nagawa Napala napasakin na lahat nang sayo ay nawala
Kaya pala nakaharang ka saking mga paa kaso nga lang halatado ko na nga na tanga ka
Tingin mo ba sakin baguhan! sarap mong dagukan hinlalato ko sayo na
Ito ang gitnang daliri - PAKYUKA
Sa dami ng pweding mapili BAT AKO PA
Di mo man lang na isip kung ganu ba ka init
Ang kayang ibuga pag di na ko nag-patawa
Malayo-layo na din pala ang napupuntahan nang sapatos kong butas
Madugo-dugo na rin ang tinamo na para bang sugat na laging ginagasgas
Kaya kung ano yong nakikita mo na meron ako ay di yan basta pinitas
Yan ay aking nilagari pinutul-putol hinati parang puno ng baleteng napakatigas
Kala nila ako ay dinamita na supot na hindi na sasabog at hindi na puputok
Ngunit nong makita na nilang nasa tuktok kinilabutan parang nakakita ng pugot
Nakatago lang ang sungay ko at buntot pero kapag na demonyo baka magpasundo
Ka nalang kay kamatayan kaysa magpabugbug ka sakin sa kanta gamit ang tugtug
Palibhasa patawa-tawa patanga-tanga lang ako at ginagawa ng malala
Baka nakakalimutan ninyo na ang lindol ay di nagbibigay ng babala
Tila dila ay pambihira pati pandiwa pinanghihiwa kapag nagwawala
Kaya pagnagkamali ka sakin ng tantsa ay sigurado na madadala