Katahimikan? Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2024
Lyrics
Sa bawat pag ngiti
Di masasabi
Na may luhang
Nakatago sa dilim
Nagbabalatkayo
Dahil takot sa pag layo
Ng mga taong
Na sa'king tabi
Ngunit sa paglubog ng araw
Panandaliang saya'y Pumapanaw
Bumubulong na lang sa hangin
Bakit tahimik ang paligid
Ngunit sumisigaw ang isip
Kapayapaa'y di maipilit
Kahit sabihin sa sarili
Na lumbay ay mapapawi
Pakiramdam ko'y
Wala paring silbi
Bawat pagbubunyi
Kapalit ay pighati
Ano nga ba ang siyang sanhi
Pagkat sa paglubog ng araw
May sumasakop na halimaw
Anong mali sa pag-iisip
Bakit tahimik ang paligid
Ngunit sumisigaw ang isip
Kapayapaa'y di maipilit
Kahit sabihin sa sarili
Na lumbay ay mapapawi
Pakiramdam ko'y
Wala paring silbi
Wala paring silbi
Wala paring silbi
Wala paring silbi
Wala paring silbi
Bakit tahimik ang paligid
Ngunit sumisigaw ang asking Isip
Kapayapaa'y di maipilit
Kahit sabihin sa sarili
Na lumbay ay mapapawi
Pakiramdam ko'y
Wala paring silbi