
Cold Heartz Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
This song is not currently available in your region.
Try the alternative versions below.
Alternative versions:
Lyrics
Gusto ko lang ulit matutong magmahal
Gusto ko lang ulit matutong sumugal
Iba din kasi dating pag natural
Matagal na nung huli kong naramdaman
Gusto ko lang ulit matutong magmahal
Gusto ko lang ulit matutong sumugal
Iba din kasi dating pag natural
Matagal na nung huli kong naramdaman
Daming nangyari kaya malamig ang puso
‘Di ko alam totoo pa ba na puro
Minsan may maling daan na nakaturo
Daming beses gusto ko na rin sumuko
Tingin sa salamin, tanong kilala mo pa ba ‘ko?
Maling sistema sana ‘di tayo binago
Pwera biro miss ko rin yung dating ako
Pero ‘di ako nagsising ganto na ‘ko
Alam kong dami kong mali
Patuloy na nagbabawi
Wala rin namang madali
Tao lang tayo parehas pagkasapit ng gabi, yeah
‘Di mo masisi
Kung bakit sarili ko na yung pinipili
Wala rin naman sumalo nung nasa bingit
Ng kalungkutan, sarili ko lang sa gilid
At kung sakaling dumating na nga ang araw
Nakatingin pa rin ako sa bulalakaw
Legasiya na walang makakaagaw
Ginawa ko ang lahat bago pumanaw
Gusto ko lang ulit matutong magmahal
Gusto ko lang ulit matutong sumugal
Iba din kasi dating pag natural
Matagal na nung huli kong naramdaman
Gusto ko lang ulit matutong magmahal
Gusto ko lang ulit matutong sumugal
Iba din kasi dating pag natural
Matagal na nung huli kong naramdaman