Aking kanlungan Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Larawan mo'y iginuhit sa ming puso
Pinagyaman at pinalago
At dun nagsimula ating buhay
Na ating kinagisnang bayan
Dito ka namulat nagkaisip
Kasabay ng hanging umiihip
Na waring laging nangungusap
Binuo ng isang pangarap
Dito ka natutong umunawa
Nilinang sa ating isip at puso
Inakay ni Inay sa kabutihan
Pangaral na tinuro ni Tatay
O kay tagal na sa yo'y nananabik
Sa tuwina'y ikaw ang nasa isip
Dumaan ang marami mang taon
Sa yo'y hindi makalilimot
Asahan mong aking pagbabalik
Ikaw na aking dating kanlungan
Nandyan pa ba mga dating kaibigan
Nasan na nga bang ating tagpuan
Ala-alang nagbalik sa isipan
Tila wala na ba at lumisan
O kay tagal na sa yo'y nananabik
Sa tuwina'y ikaw ang nasa isip
Ang tangi kong panalangin
Na sa king muling pagbabalik
Ikaw pa rin sana ay nariyan
Ikaw na aking tanging kanlungan