takipsilim Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Sa atin ang gabi
Isasayaw kita
Sa bawat segundong akin ka pa
Sa ilalim ng buwan
Walang katapusan
Ang oras nating hiniram
Alam ko naman
Pagdating ng umaga
Ako'y isang panaginip nalang
Maliit na marka sa buhay mo
Hindi na bibitaw
Sa mga natitirang
Sandali na hawak ko ang iyong kamay
Sinulat ng tadhana
Bilang ang bawat pahina
Nagbabagang apoy sa ulan
Tanggap ko na
Pagdating ng umaga
Ako'y isang kabanata nalang
Maliit na marka sa buhay mo
Kung pwede lang
Kahit bughaw na ang langit
Ako parin ang pipiliin mo
Ang kulay sa larawan ng iyong mundo
Babagsak na ang ulan
Nakakasilaw ang buwan
Gabing walang katapusan
Takipsilim dumaan
Pansamantala
Sa umpisa alam ko na
Ganun pa man tanggap ko na
Takipsilim luhaan
Sa atin ang gabi
Isasayaw kita
Sa bawat segundong akin ka pa