Ikaw (BLADE) Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2024
Lyrics
Ikaw na nga ang nais ko na makasama
Pang habang buhay ako ang hari ikaw ang reyna
Ikaw na nga, walang iba
Pangako ko sayo sinta na iingatan ka
Salamat talaga sa buhay ko ay dumating
Isang anghel para lamang ako ay sagipin
Mula sa kalungkutan aking nakalimutan
Binigyan ng liwanag madilim na akaraan
Di ko sukat akalain na aking makikilala
Lady gangsta pinagpala ni bathala sa tadhana
Ang pag-ibig pinatamasa na binasura, balewala ka
Pati tiwala sinira, sinayang ng iba
Kaya kahit na malayo handa ko iparamdam
Sa lahat ng paraan na ang puso ko ikaw ang siyang laman
Mga pagsubok dadaan, lagi mong tong tatandaan
Laban lang, kahit kailan hindi kita susukuan
Ikaw na nga ang nais ko na makasama
Pang habang buhay ako ang hari ikaw ang reyna
Ikaw na nga, walang iba
Pangako ko sayo sinta na iingatan ka
Mapaglarong mundo dayain ka di gagawin
Ikaw yung binibining gustong suotan ng singsing
Sana ay tanggapin patunay ikaw may angkin
Sa taong nadurog ng maling kahapon nagawang buuin
Titiisin ang mga panahong saking tabi wala ka
Susulitin bawat galaw ng orasan sandaling ikay makasama
Kung kasalanang ibigin ka, mas nanaising magkasala
Huwag mabahala, walang balak wakasan kwento nating dalawa
Habang tumatagal sa yakap at halik nasasabik
Tawid dagat ang agwat, Pag-ibig kung bakit pakiramdam ay magkalapit
Landas man maging matarik, kapit ka lang ng mahigpit
Hirap at ginhawa hindi kita ipagpapalit!
Ikaw na nga ang nais ko na makasama
Pang habang buhay ako ang hari ikaw ang reyna
Ikaw na nga, walang iba
Pangako ko sayo sinta na iingatan ka