alala Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2024
Lyrics
Kusa na namang naghanap ang utak
Kung ano-anong halungkat katulad ng
Pa'no na ako bukas
Meron pa ba akong bukas
At habang nauubos ang oras
Wala pa rin akong nakikita na lunas
Para sa sarili
Tanging iniisip
Sabi ng iba, huwag mag-alala
Pero bakit ganito lalo pa ngang lumalala
Teka, sa'n nga ba 'ko papunta
Teka, meron pa ba akong magagawa
Sabi ng iba, huwag mag-alala
Pero bakit ganito lalo pa ngang lumalala
Kaya, lahat-lahat aking itataya
Kung sa'n man ako mapadpad bahala na
Napapagod na akong magising sa gabi
Hindi mapakali, ano ang gagawin
di naman madali ang
Isa-isahin ang
Mga bagay na naging bagahe na
At napakabigat (napakabigat)
Nais lang naman na maging masaya at
Baka pwede rin na 'di mag-alala at
Kung maaari lang na patahimikin muna
Ang isipan
Sabi ng iba, huwag mag-alala
Pero bakit ganito lalo pa ngang lumalala
Teka, sa'n nga ba 'ko papunta
Teka, meron pa ba akong magagawa
Sabi ng iba, huwag mag-alala
Pero bakit ganito lalo pa ngang lumalala
Kaya, lahat-lahat aking itataya
Kung sa'n man ako mapadpad bahala na