
Pagtingin Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2024
Lyrics
Gumaganda mga umaga ko
Lalo kapag ikaw kasama ko
Ano bang meron ang sa iyo, hindi ko rin alam
Kung panaginip man ito maiidlip nalang
Ang salarin sa pagngiti ko ay ang pagdaan mo
At yan ang tandaan mo
Kinakabahan, hirap nang magsalita
Kapag ika'y palapit
Baka naman, pwedeng makatabi ka
Sa pisngi makahalik
Sana naman, wag akong pagkaitan
Nang tadhana na magmahal
Ngayon lang naman
Nangangarap lang diba ang sabi libre
Susugal sayo kahit na imposible
Kung merong aagaw sayo di pwepwede
Hindi pwe-pwede kasi
Hiniling ka na sa kalangitan
Sa pagdating mo sana wag tanggihan
Ang pagmamahal na alay ko
Payag na ko kahit na alalay mo lang
Kapag ikaw ay di ako maka hindi
At ang mga ngiti ko ay walang mapaglagyan
Mga mata ko'y nakatutok lang sa iyo, sa iyo
At kahit na gabi pa yan o madilim
Ay di ko maibaling sa iba ang pagtingin
Mga mata ko'y nakatutok na sa iyo, sa iyo
Ano pa ba kaya ang dapat gawin
Para aking pagtingin mapansin
Baka sakali ring iyong masuklian
Wala tong pilitan
Siguro ay mas dapat tindihan
Ko ang aking ginagawa na panliligaw
Para mas malinaw
Sayo ang intensyon ko
At sana'y wag ma friendzone mo
Pagkat yun ang kinakatakot ko
Susugal pa'rin kahit walang kasiguraduhan
At kung wala mang mapupuntahan
Nakahanda pa'rin akong subukan
Hiniling ka na sa kalangitan
Sa pagdating mo sana wag tanggihan
Ang pagmamahal na alay ko
Payag na ko kahit na alalay mo lang
Kapag ikaw ay di ako maka hindi
At ang mga ngiti ko ay walang mapaglagyan
Mga mata ko'y nakatutok lang sa iyo, sa iyo
At kahit na gabi pa yan o madilim
Ay di ko maibaling sa iba ang pagtingin
Mga mata ko'y nakatutok na sa iyo, sa iyo