![Agape](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/01/18/790421584e334052830b76aa3175efe3_464_464.jpg)
Agape Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Love will win after the rain
After the rain
Yeah after the rain
Di ko man masabi minsan
Kahit di ko rin masyadong tignan
Hinuhusgahan ng dahil lang sa usok
Mas mahalaga naman laman ng puso
Mga salita na hindi na makatao
Kala mo naman alam ang pagkatao
Di ako perpekto pero parehas lang tayong natututo sa kada pagkatalo
Kahit na anong sabihin ng iba
Ako parin ito malabong mag iba
Tandaan na ginagamit ang tapang sa buhay
Ang kanta mismo na ito ang syang patunay
Love will win after the rain
After the rain
Yeah after the rain
Love will win after the rain
After the rain
Yeah after the rain
Sa dinami dami nang patak ng ambon
Lumalalim din ang bawat tanong
Ilang beses nadapa pero patuloy sa talon
Susulong parin kahit na wala akong payong
Kung sino man ako noon iba na ko ngayon
Taon taon nagbabago ang tao alam mo yan
Hindi galit ang sagot kahit na nalilito
Patawarin mo sila at patawarin ang sarili mo
Damahin ang lahat kahit puro na sakit
Parte ng buhay yang tamis pati na ang pait
Sabay tayong tumayo alalayan sa pag tapak
Mahal kita ito ang isang mahigpit na yakap
Love will win after the rain
After the rain
Yeah after the rain
Love will win after the rain
After the rain
Yeah after the rain
Ano mang unos ang dumating ay hindi masamang dumaing
Marami mang nagmumura sayo ay mas maraming nag mamahal
Pagkatapos nang malakas na ulan ay may bahagharing nag aantay
Ang bawat pangarap ay tutuparin
Magkamali man ay matututo parin
Respeto sa lahat ng relihiyon pagmamahal ang turo Nya
Kaya wag na magtalo
Sa paglubog ng araw isa lang ang tinuturo yun ay maging
Isang mabuting tao
Love will win after the rain
After the rain
Yeah after the rain
Love will win after the rain
After the rain
Yeah after the rain