
Edsa Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2024
Lyrics
Lamkong pagod ka lika na sumakay
Buong araw di na makapag hintay
Na sunduin ka paguwi mo
Akin na 'yong bitbit
Sulitin natin ang gabi na to
Patungo sa paborito mo na kainan
Di mamahalin kasi di ka pihikan
Punong bibig pero tuloy ang kwentuhan
Lumalamig na ang gabi
Buti nalang ikaw ang aking kapiling
Sa loob ng sasakyan tayong dalawa ay may sariling mundo
Pwede mong hawakan ang aking kamay
Habang stuck tayo sa edsa
Mahaba pila mukhang tayo ay matatagalan
Kaya mag-relax na muna
Pwede mo pakong kwentuhan mahaba pa ang daan
Dahil stuck tayo sa edsa
Sinong mag aakalang traffic lang pala ang daan
Para mahulog sa isat-isa
Pagod ko napapawi pag kasama kana
Balewala ang traffic pag kausap kita
Sabay na aawitin mga kanta sa radyo
At lahat kabisado mo
Kabisado mo narin pati mga kiliti
Di lang yung sa tagiliran
Pati puso ko narin
Kabisado ko na din kung pano pakiligin
Asarin at kung anong pamang gusto mo
Na gawin bukas at para sa hinaharap
Andito lang ako para masamahan ka di ka na mag iisa.
Ngayon nandito parin tayo sa edsa
Hawak ang yong kamay pati na ang manibela
Nakangiti nakasandal sa bintana
Sabay nating bantayan mga tala
Pwede mong hawakan ang aking kamay
Habang stuck tayo sa edsa
Mahaba pila mukhang tayo ay matatagalan
Kaya mag-relax na muna
Pwede mo pakong kwentuhan mahaba pa ang daan
Dahil stuck tayo sa edsa
Sinong mag-aakalang traffic lang pala ang daan
Para mahulog sa isat-isa
Ano nextime ulit?
You know, pag hindi busy
Thank you rin pala sa paghatid
I really appreciate it
Ingat ka pauwi
Okay, that's all bye.