Panahon Natin Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2020
Lyrics
Huwag mong pigilan ang iyong damdaming magising
Sayang naman ang inaabot natin
Makikinig ka ba sa tulad ng ibang salarin
Ba't hindi mo mapigilan hindi mo masubukang lutasin
Panahon natin to huwag mong pigilin
Panahon natin to huwag mong sayangin
Ibigay mo ang lahat dapat ngayon
Nagdidiliman ang mga gabing dumating
May harang man ang inaabot natin
Titingin na lamang ba sa harap ng salamin
Hindi mo makikita kung hindi matututunang alisin
Panahon natin to huwag mong pigilin
Panahon natin to huwag mong sayangin
Ibigay mo ang lahat dapat ngayon
Huwag mong isuko ang laban
Anu mang pinagdadaanan lahat ay may hangganan
Patitibayin ka lang nyan
Panahon natin to huwag mong pigilin
Panahon natin to huwag mong sayangin
Ibigay mo ang lahat dapat ngayon
Panahon natin
Panahon natin
Panahon natin