Ang Suwerte Ko Naman Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Ang Suwerte Ko Naman
Ang suwerte ko naman ngayong umaga
At ikaw pa ang aking unang nakita
Nang mapagmasdan kita'y napangiti ka
Ang araw ko'y bigla na lang kumota
Di naman araw-araw ang suwerteng ganyan
Kung minsan ay mayroong para-paraaan
O ang suwerte ko naman, o ang suwerte ko naman
Tamis ng iyong ngiti'y di malimutan
O ang suwerte ko naman, o ang suwerte ko naman
Di ko man lang naitanong ang iyong pangalan
Tuloy tuwing umaga ang aking suwerte
Sa elevator na 'to, gustong pumirmi
Tiyempo ng pagsakay mo'y laging tinandaan
Hanggang makilala ka't makapalagayan
Di naman araw-araw ang suwerteng ganyan
Ngunit laging mayroong para-paraan
O ang suwerte ko naman, o ang suwerte ko naman
Doon nagsimula ang pagtitinginan
O ang suwerte ko naman, o ang suwerte ko naman
Hanggang tayo'y naging magkagustuhan
O ang suwerte ko naman, o ang suwerte ko naman
Laging aabangan, laging sasabayan
O ang suwerte ko naman, o ang suwerte ko naman
Lagi kang sasamahan, habangbuhay man
Habangbuhay man
Habangbuhay man