Enemy Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Itinapon parang walang halaga
Sa pag-ibig na inalay ko, 'di ka ba sumaya?
Puro sakit ang dinulot ng pag-ibig mong dala
Ngayon 'di papatawarin, mas gusto na mag-isa
Itinurin mong kalaban (laban)
Nand'yan pagka may kailangan (langan)
'Di na paniniwalaan (laan)
Ngayon, wag ka nang umasang meron pang babalikan
Nakikita kita kahit pikit ang mga mata
Sa sobrang daming alaala nating masaya
'Di ko magawang limutin, bumalik sa umpisa
Hirap din na makausad, parang naparalisa
Pinaikot-ikot mo na para bang isang gulong
Sa madilim kong silid, ngayon mag-isa nakulong
Pinipiling manahimik kahit may bumubulong
Sa loob ng aking isip, ang daming mga tanong
Oh oh alam ko ako lamang naging seryoso sa iyo
Kaya madali mong naloko woohoowoo
Kaya ngayon ako'y natuto nananananaaaaaaa
Itinapon parang walang halaga
Sa pag-ibig na inalay ko, 'di ka ba sumaya?
Puro sakit ang dinulot ng pag-ibig mong dala
Ngayon 'di papatawarin, mas gusto na mag-isa
Itinurin mong kalaban (laban)
Nand'yan pagka may kailangan (langan)
'Di na paniniwalaan (laan)
Ngayon, wag ka nang umasang meron pang babalikan
Ngayon na tutunan ko na pano baliwalain ka
Wag ka nang umasa, 'di ka makaka-konekta
Istilo mo laos na, pano pa makakabenta
Talo ka ng sentimo, kahit maliit kwenta
Wala ka nang tyansa sa akin kahit katiting
Nakakadiri pumatol, 'di kita kakantiin
Ikaw 'yung tipo na laging nakatingin
Sa mataba na pitaka bago mo pa mahalin