Love Song Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2023
Lyrics
Ito ang aking Love Song
Naniniwala 'ko na ang pag-ibig mo ay parang isang lason
Hinahanap-hanap kita
'Di ka mawala sa isip ko sinta
Ikaw ang panalangin ko wala nang iba
Huwag mo na sana kong gisingin pa kung ito'y panaginip lang pala
Nasasabik sa tamis ng iyong labi
Makapiling ka sana palagi yun ang aking hiling
Kunwari lang tayo ang nagmamay-ari ng mundo
Walang ibang pwedeng magsabi sating tayo'y mali
At hindi tayo ang para sa isa't isa
Bahala sila, wala na 'kong pake pa sa iba
Lumipas man ang panahon marami mang magbago
Ang mahiwalay ka saki'y 'di ko plano
Dahil nakuha mo yung tipo ko yung tipo na nakuha mo lahat ng bagay sa mundo
Ika'y isang prinsesa
Ako yung prinsipeng isasakay ka sa kalesa
Hindi sa kotse na magara dahil 'di ito karera
Pabagalin ang takbo ng orasan
Hindi sapat ang bente-kwatrong oras sa isang araw na nagdaan
Kagandahan ng mundo ay sabay nating pagmasdan at
Ito ang aking Love Song na pwede mong sabayan
Ito ang aking Love Song
Naniniwala 'ko na ang pag-ibig mo ay parang isang lason
Hinahanap-hanap kita
'Di ka mawala sa isip ko sinta
Ikaw ang panalangin ko wala nang iba
Huwag mo na sana kong gisingin pa kung ito'y panaginip lang pala
Ito ang aking Love Song
Ikaw ang aking Love Song