![Panaginip](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/10/16/8346bbc47d6347ab907287a427e50684_464_464.jpg)
Panaginip Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2023
Lyrics
Matagal nang di kita kasama
Sabik na sabik
Sa muli nating pagkikita
Tanong ko sa'yo
'Di ka ba napapagod?
Kasi sa isip ko'y palagi kang umiikot
Paulit ulit kong binibilang
Ang mga araw na nagdaraan
Parang ayoko nang magising
Kung pagdilat ko'y wala ka rin
Umaasa at nagaabang
Na muli kitang mahahagkan
Para bang ako'y mababaliw
Kung sa panaginip lang kita pwedeng yakapin
Yakapin, yayakapin, sa panaginip lang kita pwedeng yakapin
Maguumaga nanaman
Gising na gising pa rin ako kakaisip
Ko sa'yo
Makakatulog sa lungkot
Sana ay hindi ito maging isang bangungot
Paulit ulit kong binabaling
Pero sa isip ko'y ikaw pa rin
Parang ayoko nang magising
Kung pagdilat ko'y wala ka rin
Umaasa at nagaabang
Na muli kitang mahahagkan
Para bang ako'y mababaliw
Kung sa panaginip lang kita pwedeng yakapin
Yakapin, yayakapin, sa panaginip lang kita pwedeng yakapin
Mananaginip ng gising
Ayoko nang matulog
Sa malamig na kumot
Ang gusto kong makita
Pagdilat ko'y nandiyan ka
Umaasa at nagaabang
Na muli kitang mahahagkan..