Sa Sariling Bayan Lyrics
- Genre:Latin music
- Year of Release:2023
Lyrics
Bakit kaya ang tanong ko sa inyo
Ang buhay natin ay laging ganito
Ganoon pa rin at walang pag babago
Ilang taon na tayo ay laging kunsumido.
Marami pa rin ang manloloko
Pero lalong mas dumarami ang nagpapaloko
Maraming magnanakaw wala na ring disiplina
Mayroon pa kaya tayong pag asang nakikita
Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan
Minsan ay nag iisip na okay ang mahirap
Basta marangal na nabubuhay at laging may pangarap
Kaya hindi na umaasa na giginhawa pa
Dahil mahal ng Diyos kahit sino ka pa.
Mas mapalad ang tingin sa iyong sarili
Kahit mahirap at walang ano mang pangbili
Yan ay isang maling pananaw mahal na kaibigan.
Ginagamit na dahilan yan huwag ka lang mag alinlangan
Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan
Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan
Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan
Kay sarap mamuhay sa sariling bayan
Na kasama ang mga mahal sa buhay
Ngunit hindi sapat ang pangkabuhayan
Kaya naging normal na lang ang mag ibang bayan
Sa sariling bayan