
Sa'yo Pa Rin Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2023
Lyrics
Sa'yo Pa Rin
Mawala man ang araw sa parang
Maabot man ng alon ang buwan
Huminto man ang ikot ng mundo
Tibok ng puso ko'y para lamang sa'yo
Mawala man ang mga bituin sa langit
Mabalot man ng dilim ang paligid
At kung hanggang sa huli, tayo'y subukin
Asahan mong ikaw at ikaw ang pipiliin
Wag kang bibitaw sa'tin
Ako'y kakapit, pagka't sa'yo pa rin
Sasama ako kahit san man patungo
Di ako bibitaw, basta wag kang bibitaw
Kahit kinabukasa'y di sigurado
Di ako matatakot, basta't yakap mo ako
Kahit anong unos ay kakayanin
Wag ka lang mawawalay sa'kin
Mawala man ang lahat-lahat sa'kin
Magunaw man ang mundo'y ikaw pa rin
Wag kang bibitaw sa'tin
Ako'y kakapit, pagka't sa'yo pa rin
Sasama ako kahit san man patungo
Di ako bibitaw, basta wag kang bibitaw
Kahit kinabukasa'y di sigurado
Di ako matatakot, basta't yakap mo
Lahat kakayanin, kahit ano susuungin
Di ako papayag na ika'y mawala sakin
Sa kamay ko'y kumapit
Magunaw man ang mundo'y sa'yo pa rin
Magiging ayos rin ang lahat
Basta kapit ka lang, mahal.
Sasama ako kahit sa dulo ng mundo
Di ako bibitaw, sa'yo lang araw-araw
Kahit kinabukasa'y di na ako
Di ako matatakot, basta't para sa'yo
Mahal ko