
Astronaut/Gumagalaw Lyrics
- Genre:R&B
- Year of Release:2023
This song is not currently available in your region.
Lyrics
Masyado kang malawak
Ang hirap mo hanapin
Ayokong mapahamak
Ngunit gustong kayanin
Ang pagsubok
Na sa dulo’y walang hanggan
Kahit na sobrang dilim
Sobrang lamig
At natatakot na ‘ko
Ayos lang na mabaliw
Basta maramdaman ko lang ang init na ‘yong bigay sa ‘kin
Bituin ang tingin sa ‘yo
Nagpapalutang-lutang nang dahan-dahan
Para maabot at ‘ka’y mahagkan
Tatlong porsyento ng hangin
Ang natitira sa akin
Maililigtas mo lang ako
Bibig sa bibig
Lawak mo’y lalanguyin, lalakbayin
Hindi na matatakot
Ikaw ay sasambahin
Katawan mo lang ang tanging nagbibigay ng init
Bituin ang tingin sa ‘yo
Sampung libong buwan ang nakakita sa liwanag mo
‘Wag mo nang tanong kung bakit
Lagi lang sa ‘yo lalapit
Galing lang ako sa lupang
Gusto sa ‘yo magpadagit
Naligaw sa kawalan
‘Yun pala ay katawan mo
Ang eksaktong hinahanap ko
Na pagdadaungan
Nilagpasan ang langit upang makilala
‘Di lang pala sa lupa merong biyaya
Teritoryo mo ay kalawakan
Pero aking kinakaya
Kahit na sobrang dilim
Sobrang lamig
At natatakot na ‘ko
Ayos lang na mabaliw
Basta maramdaman ko lang ang init na ‘yong bigay sa ‘kin
Bituin ang tingin sa ‘yo
‘Kala ko panandalian lang iyan
Ngunit ang mga kilos mo’y ‘di na tama
Tapos ang sakit mo na ngang pakinggan
Mga pekeng salita at mga tawa
Yeah halik na dati ay sabik
Tayong dalawa ngunit ngayo'y pinupunasan
Mga masayang araw na hindi mo na natatandaan
Woah bigla ka na lang diyang hindi gumagalaw
Woah matagal ka nang tinitingnan, tinatanaw
Nawala mga ngiti ‘di ka naman na ganyan
Naging estatwa ka na lang biglang wala ka nang alam
Woah oh ba’t bigla ka na lang diyang hindi gumagalaw
‘Di gumagalaw
Bakit ‘di mo na lang ako palitan
Kung sa akin ikaw nama'y magsasawa
Mas gusto ko pang ako'y paglaruan
Kesa marinig ang ungol mong gawa lang
Ang galing, bakit ang bilis
Kanina lang tayo sa kwarto ay nagtatawanan
Lahat ba ng pinakita mo sa akin ay hindi totoo
Woah bigla ka na lang diyang hindi gumagalaw
Woah matagal ka nang tinitingnan, tinatanaw
Nawala mga ngiti ‘di ka naman na ganyan
Naging estatwa ka na lang biglang wala ka nang alam
Woah oh ba’t bigla ka na lang diyang hindi gumagalaw
‘Di gumagalaw