
Salapi ft. Leandro Ansing & Richard Evora Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
This song is not currently available in your region.
Lyrics
SALAPI
Maraming nababaliw sa salapi
maraming namamatay sa salapi
maraming nagiiba sa salapi
maraming sumasamba sa salapi
Di mo naman kayang dalhin sa hukay
Naglalakbay sa madilim na buhay
Hindi mo na alam kung sinong tunay
Nalunod ka sa dagat ng Salapi
Babangon mga sakim
Mga mata'y nakapiring
Nabulag sa katotohanan
Matagal ka ng tulog
Di magising
Walang takot sa Diyos
Manlinlang ay lubos
Gagawin nya ang lahat
Kahit sinong maapakan
Di ka dapat tularan
Madilim ang landas na iyong tinatapakan
Kala mo ang lahat ay iyo, makapangyarihan
Nalimutan mo nang magmahal magulo ang isipan
Hanggang mamatay dalhin mo ang iyong kayamanan
CHORUS
Maraming nababaliw sa salapi
maraming namamatay sa salapi
maraming nagiiba sa salapi
maraming sumasamba sa salapi
Di mo naman kayang dalhin sa hukay
Naglalakbay sa madilim na buhay
Hindi mo na alam kung sinong tunay
Nalunod ka sa dagat ng Salapi
Naglalakbay di makabalik
Sa demonyong ganid ka humalik
Patawarin ka pa kaya sa yong kasakiman
Kasamaan ang hinasik
Nagbago ang lahat sa 'yo
Kuminang ang paligid
Nawala ang pagibig
Nagkapangil nagkasungay Kaluluwa ay inalay
Sa impiyerno ka babagay
Madilim ang landas na iyong tinatapakan
Kala mo ang lahat ay iyo, makapangyarihan
Nalimutan mo nang magmahal magulo ang isipan
Hanggang mamatay dalhin mo ang iyong kayamanan
CHORUS
Maraming nababaliw sa salapi
maraming namamatay sa salapi
maraming nagiiba sa salapi
maraming sumasamba sa salapi
Di mo naman kayang dalhin sa hukay
Naglalakbay sa madilim na buhay
Hindi mo na alam kung sinong tunay
Nalunod ka sa dagat ng Salapi
BRIDGE
Di mo maipagpalit ang masamang bulong sayo
Ayaw lumaban
Lahat ng bagay gagawin lahat ay aangkinin
Handang gumapang
Nagbago ang paligid
Pilit sinisisi
Ng salapi
CHORUS
Maraming nababaliw sa salapi
maraming namamatay sa salapi
maraming nagiiba sa salapi
maraming sumasamba sa salapi
Nalunod ka sa dagat
Nalunod ka sa dagat
Nalunod ka sa dagat ng Salapi