Imahinasyon ft. Carm Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2023
Lyrics
Imahinasyon ft. Carm - Lanzeta
...
Oh
Oh
Gawa lang ba sa isip na malalim
O sa imahinasyon ka lang ba galing
Sana mag tapat kana at sa pag-amin
Ay maging totoo ka sa akin
Tunay ka nga ba talaga
Pagkat wala kang katulad at kagaya sa
Ganda nya na tulala ka sa pantasya na
Dala dalagang may mukang kaaya-aya sya ang tipo
Ng paraiso diwata ka na nandirito sa may kastilyong
Ikaw na syang may ari diyosang aparisyon
Himalang pangyayari iyo na syang ambisyon hiraya manawari
Na hangarin at mga hiling sa kawalan
yan ang dalangin at sya ang bitwin ng kalawakan
Dasal sa hangin ang mga hindi mahahawakan
Magandang tanawin sa hanggang tingin na lamang
Para malinawang kathang isip to oh
Dika parin makabitaw sa panaginip oh jusko
Baliwalang ikaw nga raw ay hindi totoo
Isang baliw na naligaw sa sarili kong mundo kaya tanong ko ay
Gawa lang ba sa isip na malalim
O sa imahinasyon ka lang ba galing
Sana mag tapat kana at sa pag-amin
Ng maging totoo para sakin
Gawa lang ba sa isip na malalim
O sa imahinasyon ka lang ba galing
Sana mag tapat kana at sa pag-amin
Ay maging totoo ka sa akin
Muni-muni sa maling akala
Guni-guni parang nagmamalik mata sa
Tingin kaduda-duda nang magkatitigan
Sya ay hindi makuha-kuha na palaisipan
Nalinlang sa ilusyong hiwaga nya na pambihira
Hibang sa delusyong ikaw lang ang nakakakita ng yong lihim
Ng ganda itanggi nila man yan imposible
Gaya ng pinaniniwalaang kalokohan lang na ang lahat wala rin
At ayokong sanang makawala ka pa sakin
Kanyang oo lamang ang kailangan at pag amin
Sapagkat katotohanan ang magpapalaya satin
Para malinawang kathang isip to
Tila kahit maka bitaw sa panaginip oh jusko
Balewalang ikaw nga raw ay hindi totoo
isang baliw na naligaw sa may sarili kong mundo kaya tanong ko ay
Gawa lang ba sa isip na malalim
O sa imahinasyon ka lang ba galing
Sana mag tapat kana at sa pag-amin (sa pag-amin)
Ay maging totoo para sakin (yeah)
Gawa lang ba sa isip na malalim
O sa imahinasyon ka lang ba galing
Sana mag tapat kana at sa pag-amin
Ay maging totoo ka sa akin
Maski umamin wala
Lasap na lasap kahit walang patunay
Damang dama marahil humaling na sa
Lahat ng lahat ay nilagyan ng kulay
Manghang mangha sa mga kasinungalingan na
Panggap naganap nang bigyan ka ng buhay dalang dala
Sapagkat maging kunwarian pa
Ay tanggap kaya wala namang pake alam pa kung sya ay gawa