Sorbetes Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Kaiisip ko pa lang
Na nandiyan ka
Di ko maiwasang
Mamalikmata
Maghapon na akong naghihintay
Ang iyong
Pagdating
Ay aking hinihiling
Lumulubog na ang araw
Wala ka pa
Nawala na nga ang lilim
Sa punong mangga
Maghapon nang naghihintay
Labis na naiinip
Sa 'yong tawa at 'yong ngiti
Gusto ko lamang na malaman mo
Ikaw parin ang pintig ng puso ko
Kahit ilang araw maghihintay
Ang tanging hiling ko lamang ay
Ang mayakap mo
Inukit ko na ang mukha mo
Sa mga bituin
Habang ang langit ay
Unti-unting dumidilim
At ngayon sa iyong pagbalik ay
Labis na naiinip
Sa 'yong yakap at 'yong halik
Gusto ko lamang na malaman mo
Ikaw parin ang pintig ng puso ko
Kahit ilang araw maghihintay
Ang tanging hiling ko lamang ay
Ang mayakap mo
May inilaan na akong upuan
Para sa'yo
Ngunit kalahating araw na 'tong
Nabubulok
Tinawanan ng tatlong beses
Dahil dalawa raw ang dala kong
Sorbetes
Sayang ng porma at baong tula
Na ipaparinig
Sana sa'yo
Gusto ko lamang na malaman mo
Ikaw parin ang pintig ng puso ko
Kahit ilang araw maghihintay
Ang tanging hiling ko lamang ay
Gusto ko lamang na malaman mo
Ikaw parin ang pintig ng puso ko
Kahit ilang araw maghihintay
Ang tanging hiling ko lamang ay
Ang mayakap mo