![kalahati](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/06/23/af78ea79868b43f1b383bee42ed04d38_464_464.jpg)
kalahati Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2023
Lyrics
Nag dadalwang isip
Ako'y litong lito
Nadurog sa titig
Ako'y pinong pino
Takot na umibig
Baka ko'y mabigo
Sana'y nakikinig ka
O diyos ko po
Takot ng sumugal
Takot masupalpal
Wag mo kong kausapin
Ako'y nauutal
Pero
Ayokong ikaw ay mawala
At ayokong sayo ay tumaya
Ayaw masupil, magpapigil ang
Nararamdaman ko
Naririnig ang tinig
Ng pag ibig ngunit
Di ito buo
Nag laban ang isip
At aking puso
Ayoko mag sisi
Takot na sa gulo
Mahirap mamili
Ng kailangan at gusto
Sana'y naiintindihan
Kahit malabo
Takot ng sumugal
Takot masupalpal
Wag mo kong kausapin
Ako'y nauutal
Pero
Ayokong ikaw ay mawala
At ayokong sayo ay tumaya
Ayaw masupil, magpapigil ang
Nararamdaman ko
Naririnig ang tinig
Ng pag ibig ngunit
Di ito buo
Kalahati ay ayaw
Kalahati ay gusto
Ang takot ay natunaw
Kailangan ng tapang sayo
Gusto kitang maagaw
At pipilitin ko
Gusto kitang maagaw
At pipilitin ko
Kasi
Ayokong ikaw ay mawala
At ayokong sayo ay tumaya
Hindi masusupil, papapigil ang
Nararamdaman ko
Naririnig ang tinig
Ng pag ibig at
Ngayon ito'y buo