![Pareparehong Tao](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/06/04/039fdc64982a4a8bb4dac8d2940c8c50_464_464.jpg)
Pareparehong Tao Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2019
Lyrics
Iisa ang utak, iisa ang puso, iba iba ang kilos at ginagawa ng tao
Lahat umiiyak, lahat nakikiuso, lahat nag iisip sa buhay kung ano ang plano
Kung merong mabait merong masama, may buhay mapait at meron maginhawa
Pero wag nyong limutin kung sinong naglikha, kase pag nadedo ay dun din ang punta
Pano naging tama? mali mo sa iba, mali ba ng iba ay pano naging tama
At kung iisa ang patungo na ito baliktarin mo man, dun din naman tutungo
Lahat pwedeng magbago, pag tumibok ang puso, pero pag to,y nabasag mahirap Mabuo
Ingatan ang sarili wag bsta pagamit
Hanapin niyo lang ang kulay ng buhay
Iba't ibang ugali, ibat iba ang kulaaay, ibat ibang paninindigan
Ibat ibang paniniwala at pinangalingan bat di nalang magka isa
Pareparehong tao, ibat iba ang gusto
Kahit ganto iisa lang ang layunin sa mundo...
Ang maging masaya, (Na maging masaya)
At hanapin ang tunay na layunin ng puso
Tayo ang bida sa storya na ito...
May kontra man na engot dyan sa paligid mo
Laging tatandaan na gulpi man bida sa istorya, ending bida parin ang panalo sa takilya
Pero minsan sa buhay tayo ang kontra bida, at kontra bida ang bida sa kanyang istorya
Pareparehong tao, pareparehong kwento pero bandang huli ay mamatay din tayo
Parehas ang buto, parehas ng itsura, pero iba iba ang hugis at hulma
Lalake, babae, tomboy at bakla basta mahalaga ay magmahalan tayo
Iba't ibang ugali, ibat iba ang kulaaay, ibat ibang paninindigan
Ibat ibang paniniwala at pinangalingan bat di nalang magka isa
Pareparehong tao, ibat iba ang gusto
Kahit ganto iisa lang ang layunin sa mundo...
Ang maging masaya, (na maging masaya)
At hanapin ang tunay na layunin ng puso.