X Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2023
Lyrics
Hindi naman bulag, napagmasdan ang pangyayari
Nag isip akong mabuti bago ako sayo nagsabi
Hindi nadin katulad ng natamasa mo sa'kin dati
Umalis ka nang biglaan ng wala kang pasintabi
Bakit mag aalinlangan pang mawawala ka sa'kin?
Hindi na muling maaakit sa mga gawa mong pain
Tanungin mo iyong sarili kung anong nagawa mo sakin
Ikaw ang nagbago't, 'di na muling babalik pa sa atin
Ikaw ang dahilan kung bakit nagkagan'to
Angsaya natin dati ngunit bigla kong nagpagtantong
Hindi na ikaw yung babaeng laging sipat ng mata ko
Napawi yung saya't naging lungkot ng dahil sa iyo
Paano mo sasabihin? kung 'di mo din ma amin
Huwag mong tanungin sa akin kung ano ng meron sa'tin
Kahit 'di ko sabihin, ramdam mo sa damdamin
Kaya bat ang pansing dapat ay akin sa iba mo naibaling?