Talulot ft. 123 Pikit! Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Walang silbi mabuhay kung palaging nahihirapan
Napupuno ng duda kalaban lagi ang isipan
Pahingi lang ng sandali, konting katahimikan
Kailangan lang ng puso at isipan na magpahinga ng mag-isa
Maalala mo sana, pahingi ng pag-asa
Ako ay napapagod, gusto lang huminga
Pahirin lamang ang luha, manatili sa kama
At kung pwede lang sana itigil muna lahat
Ako muna! Kung pwede sana?
Ako muna! Hihingin lang ang sarili, pwede ba?
Ako muna! Kung pwede sana?
Katahimikan lang ng isip ang hangad
Napapagod na ako
Napapagod na ako
Napapagod na ako
Napapagod na
At kung pwede lang sana makahingi ng pag-asa
Ako ay napapagod, gusto lang huminga
Pahirin lamang ang luha, manatili sa kama
At kung pwede lang sana itigil muna lahat
Ako muna! Kung pwede sana?
Ako muna! Hihingin lang ang sarili, pwede ba?
Ako muna! Kung pwede sana?
Katahimikan lang ng isip ang hangad