![Salamat Po Inay](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/05/04/df5df2c34b194296868f387af84d4cea_464_464.jpg)
Salamat Po Inay Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Nung unang namulat ang mata
Mukha mo ang una kong nakita
Sa'n ka man naroroon ako din ay nandoon
Ooh, sa loob ng bisig mo
Mainit na yakap mo
Kay lamig ng tinig mo sa pag-oyayi sa gabi
'Pag tulog halik ng mga labi
Umaasang bukas gano'n pa rin sa akin, ooh
Ibang-iba ang takbo ng mundo sa piling mo
'Pag takbo ng oras
Lambing mo ang hanap ko
Salamat po inay, ikaw aking naging lakas
Ikaw aking gabay sa'king magandang buhay
Salamat po inay, sa pagmamahal na walang wakas
Gagawin mo ang lahat para sa akin
Salamat po inay
Panahon may lilipas
Padako sa iba't ibang landas
Makakamit mga pagkakamali
Umaasang bukas mahal pa rin
Mahal pa rin, ooh
Tumanda man ako 'di lalayo sa piling mo
Dadaan madaming bukas
Ikaw pa rin ang hanap ko
Salamat po inay
Salamat po inay, hanggang sa huli ikaw ang lakas
Walang papantay sa pagmamahal mong tunay
Salamat po inay, gagawin ko lahat para lang sa'yo
Patuloy kang ipaglalaban
Habang ako'y may buhay
Salamat po inay, ikaw aking naging lakas
Ikaw aking gabay sa'king magandang buhay
Salamat po inay, sa pagmamahal na walang wakas
Gagawin mo ang lahat para sa akin
Salamat po inay
Salamat po inay