mala-mahika Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Magdamag kang tinitignan
Para bang binibigyan
Ng kakaibang tama
Kasabay ng 'yong tawa
Pakiramdam pinaulanan
Ng daan-daang biyaya
Ganito ba ang langit
'Di kailangang sagutin
Kung ano o bakit
Lahat ng kayamanan at pag-aari
Nasa aking kamay, ikaw ang katabi
Imahe na mapungay
Nilagyan mo ng kulay
Dito sa ating buhay
Bilang lang ang tunay
Pinaparamdam mo ay
Di nakakaumay
Walang kasing saya
At walang maling taya
Di hahayaang
Di mahanap ang
Sigurado sa bahala na
At 'di namamalayan
Pagpalit ng araw sa buwan
'Di maipaliwanag basta
Ikaw lang ang nagpapagaan
Tiyak na ligaya, tila ba
Ikaw ang nagparanas
Pinakawalan ang
Nakatagong hiwagang wagas
Kung hindi pa natikman
Ganitong tipong pakiramdam
Parang kulang ang mga salita
Para maipaliwanag lang
Kakaiba ang pinipinta
Kulay na ngayon ko lamang nakikita
Panandalian o matagalan
'La kong pakialam basta lamang
Ang napadamang walang kapareha
Ako'y namulat mo
Meron palang ganito
Mas matimbang pa sa lahat ng ginto
Mala-mahikang kaharian ikaw ang pinto
(Hmmm)
Walang kasing saya
Etong pinaka sa mga pinaka
At walang maling taya
Kahit san dalhin hindi magtataka
Pinakilala ka yata ng mga tala
O baka naman ikaw ay isa sa mga
Diwata ni bathala, alam kong tama
At tiwala, di gambala
Sakin 'pag kasama ka
At 'di namamalayan
Pagpalit ng araw sa buwan
'Di maipaliwanag basta
Ikaw lang ang nagpapagaan
Tiyak na ligaya, tila ba
Ikaw ang nagparanas
Pinakawalan ang
Nakatagong hiwagang wagas
Di namamalayan
Pagpalit ng araw sa buwan
'Di maipaliwanag basta
Ikaw lang ang nagpapagaan
Napakagaan ng pakiramdam
Napakagaan pag kasama ka