Bulong sa Hangin Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2023
Lyrics
Naiinip na ako
Ilang oras nang naghihintay sayo
Hanggang kelan ba ito
Hahayaan bang mapagod lang ako
Hindi alam ang gagawin
Ang hinaing ay iyong dinggin
Ano ba ang dapat gawin
Upang ito'y iyong mapansin
Mahirap bang intindihin
Ang nais lang ay ika'y makapiling
Ang iyong haplos sa taglamig
Kailangan sa bawat sandali
Hinahanap ang iyong pag-ibig
Yan ang tanging bulong sa hangin
Nalilito na ako
Ano nga ba ang napapala sayo
Bakit heto na naman
Isang martir na walang ibang alam
Kung di patuloy na umasa
Kahit alam na ito ay wala na
Sadya bang ganito ang tadhana
Ang habang buhay na magdusa
Mahirap bang intindihin
Ang nais lang ay ika'y makapiling
Ang iyong haplos sa taglamig
Kailangan sa bawat sandali
Hinahanap ang iyong pag-ibig
Yan ang tanging bulong sa hangin
Mahirap bang intindihin
Ang nais lang ay ika'y makapiling
Ang iyong haplos sa taglamig
Kailangan sa bawat sandali
Hinahanap ang iyong pag-ibig
Yan ang tanging bulong sa hangin