Tangi Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2020
Lyrics
Para sa akin ay ikaw lang ang nag iisa
Ang tangi saking buhay, oh walang iba
Kung nag dududa ka man o medyo may alangan
Tandaan mo na mahal na mahal kita
Nung una kang makita, ang sinabi sa sarili
Na ibibigay sayo lahat kapag ako pinili
Sa daliri ay binilang ngunit tila ba nag kulang
Dahil 'di sapat lahat nang to sa mga dahilan
Pang ilang beses yung huling pagkadapa
Basagulero ang imahe pero bat dinadaga
Ito na nga, lumapit
Damit ko ba ay pangit
Lalo akong nabihag nang sabihing kalmahan mo lang
Sa pag pili di nagkamali
Kasama ko na lumalaban kahit minsan hindi madali
Kahit anong pelikula basta nandito ka saking tabi
Pangako susulitin bawat sandali
Kaya bawat mali ay aking itatama
Panay man ang away, pangakong hindi mag sasawa
Kaya kung duda ka man ay lagi mong tandaan
Para sa akin ay ikaw lang ang nag iisa
Para sa akin ay ikaw lang ang nag iisa
Ang tangi saking buhay, oh walang iba
Kung nag dududa ka man o medyo may alangan
Tandaan mo na mahal na mahal kita
Ikaw ang Amy saking Jake
Kahit minsan ako ay late
Tatapusin tong netflix series
Basta ikaw ang kadate
Parang kaybigan mo na tunay
Rachel, Joey't Phoebe pa
Nag iisa ako na Chandler
Kung ikaw ang Monica
Sorry na kung naihambing kita sa kanila
Kapag kasama ka kasi parang nasa pelikula
Ikaw ang pahinga sa araw na mahaba
Ibabalita aking quiz mataas man o mababa
Alam ko naman pag ang utak nag isip
Mahirap nang kalaban at didiretso na sa inis
Pero at least di mag sasawa na suyuin ka
Isasayaw, isasabay ka sa akin sinta
Kaya bawat mali ay aking itatama
Panay man ang away, pangakong hindi mag sasawa
Kaya kung duda ka man ay lagi mong tandaan
Para sa akin ay ikaw lang ang nag iisa
Para sa akin ay ikaw lang ang nag iisa
Ang tangi saking buhay, oh walang iba
Kung nag dududa ka man o medyo may alangan
Tandaan mo na mahal na mahal kita
Ang tangi saking buhay, humawak saking kamay
Nang malaman mong ikaw lang ang nag iisa