Aking Mundo Lyrics
- Genre:Soul
- Year of Release:2023
Lyrics
Katabi ka sa buhanginan, nakahiga nakatingin sa kalangitan pinagmamasdan
Mga bituin at tila ba ang buwan ay nakikipagtitigan sating dalawa halika
Akin ng ipapakita, sindihan ang indica't sativa
Habang lumulutang ka sa ulap ay tuloy tuloy lang ang hipak buga sa baon ko na pipa
Ikaw parin ang pinakamaganda
Binibini san ka man papunta
Susundan ang mga yapak ng yung paa
Di man pinipipilit laging magkukusa
Di ka magdurusa, nahumaling parang ginayuma
Bwenas ang hatid parang daruma
Aking sakura, walang makikisaling pusa
Ikaw lang ang gusto kong makuha
At handa kong magsilbi na unan mo
At pangakong mananatili sayo
Ika'y aking mundo
Pag ibig koy sayo
At handa kong magsilbi na unan mo
At pangakong mananatili sayo
Ika'y aking mundo
Pag ibig koy sayo
Wala ng iba pa na hahanapin ika'y napasakin
Di man madasalin, ang mababang urit mamahalin
Ating abutin ang imposible,dala ang hangarin
Kahit may hangganan may lugar na nag iintay para satin
Sabay natin lakbayin ang magandang tanawin, para bang mulawin
Ako ay sayo at ikay para sakin
Pumuti man ang ating buhok at kung maging ulyanin
Sabay tayong tatanda sabay din nating aakayin
Ang isat isa, patungo sa lugar na mapayapa
Mahikang hatid at babalik sa pagkabata
Ano nga ba ang depenisyon ng tunay na malaya
Nagmamahal o ang palaging nagpapaubaya
Mahalaga na sa akin ka, hindi to magsasawa
Mabahong pakinggan mahal kita aking asawa
Totoong pag ibig ang alay walang halong pakara
Kahit akoy sintonado ay handa kong mang harana
At handa kong magsilbi na unan mo
At pangakong mananatili sayo
Ika'y aking mundo
Pag ibig ko'y sayo
At handa kong magsilbi na unan mo
At pangakong mananatili sayo
Ika'y aking mundo
Pag ibig ko'y sayo