
Himpapaweed Lyrics
- Genre:Rock
- Year of Release:2023
Lyrics
Makikita mo sa 'king mga mata
Ang hiwaga na iyong dala
Naglalakbay sa sandali
Isip ay 'di mapakali
Huli ang bawat kiliti
Sa Tuwing magkatabi
Wala nang ibang kinasasabikan
Ngiting kay tamis tuwing nahahalikan
Hawakan mo'ng aking kamay
At tayo ay maglalakbay
Patungo sa kabilang mundo
Kung san ikaw lang at ako
Takbo ng oras ay humihinto
Sa tuwing ika'y kayakap ko
Wala nang hahanapin pa
Kundi ang makapiling ka
Langit laging nadarama
Sa tuwing kasama ka
Ang 'di mo alam ay huwag mong husgahan
Ang diwa'y buksan nang maintindihan
Hawakan mo'ng aking kamay
At tayo ay maglalakbay
Patungo sa kabilang mundo
Kung san ikaw lang at ako
Kakaiba ang saya na 'yong pinadarama
Tagos sa aking pagkatao sadyang kakaiba
Bawat halik mo, nagpapabuhay ng patay
Na nagpapasigla sa umagang matamlay
Pungay aking mga mata kapag kasama ka
Paano titigilan, hindi ko nga ma eksplika
Ang mahika mong dala-dala
Pagmamahal sa iyo lalong lumalala
Ika'y kakaiba halika sa'kin at lumapit
Hindi ka agila ngunit handa ng magpadagit
Sa mundo mo sa himpapaweed
Puno ng ulap tayo'y mag lawig
Pagmamahal 'yan ang gusto ko
Aminin mo eto ang gusto mo
Hanggang huli ikaw at ako
Walang iba pangako ko
Ngiting kay tamis tuwing nahahalikan
Wala nang ibang kinababaliwan
Hawakan mo'ng aking kamay
At tayo ay maglalakbay
Patungo sa kabilang mundo
Kung san ikaw lang at ako
Kung 'di man tayo hangang sa huli
Salamat pa rin sa sandaling
Kasama kita sa paraiso
Kung san ikaw lang at
Ikaw lang at, Ikaw lang at
Ako!