Ikaw ang liwanag sa mundo Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2023
Lyrics
Anak, kung nais mong
Paglingkuran ang Diyos
Humanda ka sa mga pagsubok
Tanggapin ang anumang
Ipagkaloob Niya sa iyo
Tiisin mo ang kabiguan
anuman ang mangyari
Ikaw na aking lingkod
Meron akong ipagagawa
Na mas mahalaga't
Kamanghamangha
Gagawin kitang liwanag
Sa buong mundong ito
At nang mailigtas ang kapwa mo
Sinabi ko ito sa iyo
Upang ikaw ay lumigaya
Tibayan mo lang ang iyong loob
Napagtagumpayan ko
N'ang sanlibutang ito
Hindi ka na nagiisa
Kasama mo ako.
Anak, nais mo bang
Paglingkuran ang Diyos?