![Damag ft. shortone](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/02/22/52f28b546d2946c5a5df29ce206e3a5d_464_464.jpg)
Damag ft. shortone Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Damag ft. shortone - SunKissed Lola
...
Habang malalim and gabi
Ating sulitin na ang bawat sandali
Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin
Patungo sa akin
'Di mo ba gustong
Ako'y nagsusumamo
Para kang bugtong
Palagi kang malabo
'Di mapakali
Damdamin ay kabado
Ikaw na ang sanhi
Ikaw pa rin ang puno't dulo
Ba't di ba pwedeng pagbigyan
Ang nararamdaman
Manatili munang magkatabi
Hanggang umaga lang
Habang malalim and gabi
Ating sulitin na ang bawat sandali
Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin
Patungo sa akin
Napahiling at napa-sabi na lang
Na baka sakaling mapa-sakin ka nga
Pumikit, humingang malalim
Humikbi pasimple sa hangin
Halika, halika
Iniisip kung aanhin ko pa ang
Dinadala kong pagmamahal
Kung 'di naman ikaw ang tatanggap
Tignan mo mata ko babakat
Na 'di lamang ako nagpapanggap
Nagaalala ka kung tatagal
Eh, araw-araw nga kitang mahal
Magandang simula ang ilang salita
Pasalamat pa nga't, nakausap kita
Sang-ayon man o hindi ating paligid
Sasalubungin ko ang iyong tinig
Sasaludo sa'yo aking pag-ibig... Aking pag-ibig
Papel ko sa'yo ay sulatan mo lamang
Sana mapunan mo na ang blangko
Ako ang pader kung gusto ng sandalan
Sa mga laban na hinaharap mo
Sabay tayo na matututo
Alamin lang natin ang panuto
Paghirapan kahit magkulang ang tulog
Handa kong manatili kaya...
Pwedeng bang pagbigyan
Ang nararamdaman (nararamdaman)
Sa'kin ay tumabi, hanggang umaga lang
(Hanggang umaga lang)
Mahagkan ka habang malalim and gabi
(Hahawakan, magdamagan, sasamahan ka mahal)
Ating sulitin na ang bawat sandali
Dahan-dahan mong ibaling ang iyong tingin
(Hahawakan, magdamagan, sasamahan ka)
Patungo sa akin
Makasama hanggang umaga
(Hahawakan, magdamagan, sasamahan ka mahal)
'Di mo kailangang mag atubili
Dito ka sa aking tabi
Mahagkan ka hanggang umaga
(Hahawakan, magdamagan, sasamahan ka mahal)
'Di mo kailangang mag atubili
Dito ka sa aking tabi (Sa tabi, sa tabi)