Ikaw, Ikaw Pala Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Di ikaw ang aking kay tagal nang pinapangarap
Na makapiling araw- araw habang-buhay
Di ikaw ang lagi nang sa twina'y naiisip
Di ikaw ang lagi nang laman ng panaginip
Ika'y ibang-iba sa 'king inaasam-asam
Magkasalungat ang ugali nating dalawa
Kaya't heto ako'y litong-lito
Ba't ganito
Biglang-bigla na lang nagbago
Ang tibok ng aking puso
Biglang-bigla na lang iba
Ang syang sinisigaw nito
Bakit ngayon lang nadama
Ba't kay tagal bago ko nalamang
Ang tunay kong mahal ay ikaw pala
Di ba dati rati'y para tayong aso't pusa
Maya't maya ay laging nag-aaway
Bawat aking sasabihin lagi mo na lang kokontrahin
Bawat aking gawin lagi mong pinapansin
Ika'y ibang-iba sa 'king inaasam-asam
Magkasalungat ang ugali nating dalawa
Kaya't heto ako'y litong-lito
Ba't ganito
Biglang-bigla na lang nagbago
Ang tibok ng aking puso
Biglang-bigla na lang iba
Ang syang sinisigaw nito
Bakit ngayon lang nadama
Ba't kay tagal bago ko nalamang
Ang tunay kong mahal ay
Ikaw, ikaw pala ang siyang
Tinitibok-tibok ng puso
Ikaw, ikaw pala ang syang
Sinisigaw-sigaw nito
Baki't ngayon lang nadama
Ba't kay tagal
Bago ko nalamang
Ang tunay kong mahal ay ikaw pala
Ikaw pala
Ikaw
Ikaw pala