Lumapit Sa Kanya Lyrics
- Genre:Gospel
- Year of Release:2020
Lyrics
Napagisip-isip mo ba ang buhay mo
Bakit ka inilagay sa mundong ito
Kung saan ka nanggaling
kung saan ang patutungUhan
May dahilan kahit hindi mo ito alam
Ano kaya ang iyong gagawin?
Ipagpapatuloy mo ba ang iyong mga gawain
Kung magbabago ka ay simulan mo na ngayon
Tutulungan ka ng Panginoon
Lumapit sa Kanya ibigay buong sarili puso't kaluluwa
Wag nang maghintay pa
Ngayon mo ito gawin
Sapagkat di mo batid kung anong
dala ng bukas para sa iyo
Kaya't ihandog mo na ngayon sa Kanya ang buhay mo…
Buhay natin ay pansamantala
Isang saglit ika'y buhay tapos wala ka na
Kaya't ngayon ang panahon
Harapin ang katotohanan
Diyos lamang ang may buhay na walang hanggan
Lumapit sa Kanya ibigay buong sarili puso't kaluluwa
Wag nang maghintay pa
Ngayon mo ito gawin
Sapagkat di mo batid kung anong dala ng bukas para sa iyo
Kaya't ihandog mo na ngayon sa Kanya ang buhay mo…
Wag ng magduda pa
Ngayo'y gawin mo na….
Lumapit ka
Sa Kanya ngayon
Wag nang magduda pa
Ngayon gawin mo na ito
Lumapit sa Kanya ibigay buong sarili puso't kaluluwa
Wag nang maghintay pa
Ngayon mo ito gawin
Sapagkat di mo batid kung anong dala ng bukas para sa iyo
Kaya't ihandog mo na ngayon sa Kanya ang buhay mo...
Kaya't ihandog mo na ngayon
Sa Kanya ang buhay mo--
hmmmm