Ibong Ligaw Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2023
Lyrics
Ibong Ligaw - Vehnee Saturno
...
Paano pa kaya tatanggapin ng puso ko
Mula nang sa 'kin ay sabihin mong 'di na ako
Ang s'yang nilalama't tinitibok ng puso mo
Gumuho ang lahat pati mga pangarap ko
Umasa nang anong tagal dahil akala ko
Ako na ang lahat-lahat para sa tulad mo
Malilimutan ko pa ba ang pighating ito
Ngayong tuluyan na ika'y wala sa piling ko
Ibong ligaw ang tulad ko
Ang puso't isip ay lito saan ako patutungo
Nagdurugo ang puso ko
Nabali ang mga pakpak bigong-bigo dahil ako'y iniwan mo
Mayro'ng mga gabing mga mata'y 'di mapikit
Pati ang diwa ko ay bakit 'di na maidlip
Paglimot sa iyo'y hindi pa rin masumpungan
Sarili ay tinatanong bakit nagkaganyan
Umasa nang anong tagal dahil akala ko
Ako na ang lahat-lahat para sa tulad mo
Malilimutan ko pa ba ang pighating ito
Ngayong tuluyan na ika'y wala sa piling ko
Ibong ligaw ang tulad ko
Ang puso't isip ay lito saan ako patutungo
Nagdurugo ang puso ko
Nabali ang mga pakpak bigong-bigo dahil ako'y iniwan mo
Whoa ibong ligaw ang tulad ko
Ang puso't isip ay lito saan ako patutungo
Nagdurugo ang puso ko
Nabali ang mga pakpak bigong-bigo dahil ako'y iniwan mo