![Pagsapit ng Dilim](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/01/04/20b335eb4dbb4357a712a2bf3f6c403eH3000W3000_464_464.jpg)
Pagsapit ng Dilim Lyrics
- Genre:Blues
- Year of Release:2023
Lyrics
Lumusong na ang araw
Sa dagat ng dilim
May asin ng luha
Ang simoy ng hangin
Ang ilaw sa poste
Sinag ay kulimlim
Sisiw na naglisan
Akay ng inahin
Mga ibong gala
Nasa pugad na rin
Ngunit nahan ka
Saan ka hihimbing
Hindi mo ba alam
Na may naninimdim
At nangungulila
Pagsapit ng dilim
Pagsapit ng dilim
At ika'y wala
Hinahayuma ko
Ang lambat ng tala
Aking hinuhuli
Ang mga gunita
Na palutang-lutang
Sa laot ng luha
Heto na naman
Heto na'ng gabi
At ika'y wala
Wala ka sa tabi
Hindi mo ba alam
Na may naninimdim
At nangungulila
Pagsapit ng dilim
Heto na naman
Heto na'ng gabi
At ika'y wala
Wala ka sa tabi
Hindi mo ba alam
Na may naninimdim
At nangungulila
Pagsapit ng dilim