
Senyales Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Naranasan mo na ba kapag ikaw lang mag-isa
May mga araw talagang makakaramdam ng kaba
Yung para bang pakiramdam mo ay wala kang halaga
Kahit wala namang problema parang may problema ka
Minsan nakakapagtaka kung bakit nga ba ganito
Kahit na meron na lahat mga bagay na gusto mo
Ngunit nararamdaman mo na parang may kulang sa'yo
Pero hindi mo naman alam kung ano pang wala sa'yo
Sadyang ganyan nga talaga, minsa napapaisip ka
Kung ano nga bang dahilan at bakit nandito ka pa
Dahil siguro meron pang hindi ka pa nagagawa
Na kailangan mo pang matapos bago ka maging malaya
Kaya gumising ka at buksan mo mga mata
Mag pasalamat ka dahil ikaw pa ay malakas pa
Nagagawa mo pa lahat ng gusto mo na magawa
Dahil marami nang tao na di na makasalita
Nahihirapang huminga dahil nga patapos na
Ang buhay na pinag ka loob niya ay babawiin na
At dadalhin ka na sa kaharian nyang masaya
Sa lugar na yon wala nang ibang iisipin pa
Kundi magpakasaya, mga bagay dun sagana
At wala ka nang problema pang mararamdaman pa
At ang kulang pa na hanap mo kapag malungkot ka
Dun mo lamang makikita kapag nandoon ka na
May senyales talaga, na ipapakita niya
Kung kailangan nang magbago o may babaguhin ka
Pero hindi to madali, dapat ay matatag ka
Dahil marami nang sumubok, ngunit nabigo sila
Na baguhin ang sarili dahil sa mga tukso
At marami ng taong mga nag babalatkayo
Ang akala mo'y anghel, na gumagabay sayo
Sila palang may mga sungay na sumisira sayo
Mga kaibigang malapit, na dapat ay katabi mo
Ngunit wala na din sila, tila lahat ay lumayo
Patunay talaga sa bawat ikot, merong nagbabago
At wala din permanente dito sa mundong ito
Na ginagalawan mo, at ginagalawan ko
Na dapat pag nakuha mo na dapat ang senyales mo
Ihanda na ang sarili para sa yong pagbabago
Huwag mo nang ulitin pa mga mali na nagawa mo
Minsan sa buhay natin, may mga bagay talagang mangyayari
Na akala natin hindi tayo nagkamali
At yung pagkakamali na yun, yun ang magbibigay sa atin ng dahilan
Para baguhin ang sarili natin
Kaya kung nagkamali ka man
Ito na ang panahon na binigay satin ngayon
Huwag mo nang aksayahin, ibahin mo ang direksyon
Dumiretsyo sa paglakad at huwag ka nang lumingon
Pagkakataon mo nang maituwid mali noon
Dahil kung babalik ka pa sa pagkakamali na yun
Malamang huli ka na at huling tyansa mo na yun
Dahil nalalapit na araw, araw ng paghuhukom
At di natin mamamalayan kailan mangyayari yun
Ang buhay natin na ito'y kanya lamang pinahiram
Upang tayo pagbigyan at para masubukan lang
Ito'y kanyang sukatan, sinong may karapatan
Na tawagin niyang anak, umangat ng kalangitan
Na kagaya ni Jesus, na ginawa niyang kasangkapan
Upang mag lahad nang aral, lahat ng katotohanan
Pahiwatig niya sa atin mga bagay may hanggana't
Dito sa mundong ito'y malapit na ang kawakasan
May senyales talaga, na ipapakita niya
Kung kailangan nang magbago o may babaguhin ka
Pero hindi to madali, dapat ay matatagka
Dahil marami nang sumubok, ngunit nabigo sila
Na baguhin ang sarili dahil sa mga tukso
At marami ng taong mga nag babalatkayo
Ang akala mo'y anghel, na gumagabay sayo
Sila palang may mga sungay na sumisira sayo
Mga kaibigang malapit, na dapat ay katabi mo
Ngunit wala na din sila, tila lahat ay lumayo
Patunay talaga sa bawat ikot, merong nagbabago
At wala din permanente dito sa mundong ito
Na ginagalawan mo, at ginagalawan ko
Na dapat pag nakuha mo na dapat ang senyales mo
Ihanda na ang sarili para sa yong pagbabago
Huwag mo nang ulitin pa, mga mali na nagawa mo