ALAT Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2023
Lyrics
Pagkatapos ng mahaba na proseso
Ilang ulit na tumira bago tuluyang sumentro
Mga engkwentro na tsumempo, pero pinilit na pumwesto
Hanngang makuha yung minimithi nya na sustento
Alam kong napakihirap dahil galing din sa wala
Yung walong oras naging sampu para lamang merong ma pala
Ganyan ang gulong nang ating buhay mas madalas kang nasa baba
Basta tuloy lang sa hangarin, tumayo kapag nadapa
Ang mahalaga ay sumusubok at hindi lamang nakadapa
Mabuting kinikulusan mo hindi umaasa't nakanganga
Dahil kung hindi mo gagawin baka pati si himala ay mahiya
Kaya't sipagan ng sipagan hanggang wala ka nang mapiga
Basta't lumaban ka ng patas magiging bunga ay sagana
Imbis na sila yung tapakan ba't hindi mo isama sa pagtawa
Sila ay mga kakampi, tanging kahirapan ang katunggali
Maniwala sa proseso hanggang ang panalo sa mukha mo ay mamutawi
Maraming araw na ikaw ay aalatin
Maraming araw na pagkain aamagin
Pero wag mong pansinin bukas baka swertihin
Ganyan lang ang buhay, tala iyong abutin
Abutin ang tala
Abutin ang tala
Abutin ang tala
Abutin ang tala
Daming beses kang sumubok, daming beses din natalo
Kahit sa pangarap na katutok, paminsan minsan napapako
Tanggapin gantong sistema, pero wag ka mag paanod
Gumawa ka ng umaga, pati gabi na parang tanod
Para sulit ang umaga na sayo'y paparating
At maiguhit sa mga palad ang iyong mararating
Kaunti man yan ngayon, kakain karin ng pang pating
Kaya't wala kang gagawin kundi ang sipag ay sagarin
Ganyan lamang na kasimple paulit ulit na proseso
Sa bawat pagsapit ng akinse doon ka lang makukuntento
Iba iba ang ating kwento, pero iisalamang ang ating pakay
Kumayod nang husto, nang may maiuwing kaing sa bahay
Basta't lumaban ka ng patas magiging bunga ay sagana
Imbis na sila yung tapakan ba't hindi mo isama sa pagtawa
Sila ay mga kakampi, tanging kahirapan ang katunggali
Maniwala sa proseso hanggang ang panalo sa mukha mo ay mamutawi
Maraming araw na ikaw ay aalatin
Maraming araw na pagkain aamagin
Pero wag mong pansinin bukas baka swertihin
Ganyan lang ang buhay, tala iyong abutin
Abutin ang tala
Abutin ang tala
Abutin ang tala
Abutin ang tala