Tayo na, Pasko Lyrics
- Genre:Acoustic
- Year of Release:2022
Lyrics
Naiiba talaga ang pasko ng pinoy
Tuwing sasapit ang araw na to
Lubos ang saya at tuwa na nadarama
Kung minsa'y dala ay kalungkutan
May mga bagay na kailangan
Kung tanggapin kahit di maunawaan
Paulit ulit na lang pero kaibigan
Dapat ay pag ibig na lamang.
Di mapakali at laging nagmamadali
Na kung ano ang ating uunahin
Regalo o ang aginaldo
Tuwing may bisitang namamasko
Handaan sa bawat kabahayan
Mga awiting hindi mo malilimutan
Pero sana naman sa araw na to
Magpasalamat ka sa Poon.
O giliw ko tayo na, pasko anong saya
Pagmamahalan sana ay atin matanaw
Magbuhat ngayon at kahit hindi na araw
Tayo parin ay magbigayan
Di mapakali at laging nagmamadali
Na kung ano ang ating uunahin
Taon taon nalang nagkikita
At laging andami baong saya
Tuwing sasapit ang araw
Ang pagbabago'y napapansin na
Madami man pero andyan parin
Sila sa puso at damdamin
O giliw ko tayo na, pasko anong saya
Pagmamahalan sana ay atin matanaw
Magbuhat ngayon at kahit hindi na araw
Tayo parin ay magbigayan
O giliw ko tayo na, pasko anong saya
Magkakasama lahat, walang iwanan
At simpleng hiling ko lang bawat isa
Ang pasko, ihandog sa lahat.