
Aking Pahinga (Sped Up Version) ft. I-ghie Lyrics
- Genre:Pop
- Year of Release:2022
Lyrics
Tanging ikaw lang, walang ibang mamahalin
Makaka-asang hiling mo'y aking didinggin
Gagawin ko ang lahat para sa'yo
'Di susukuan kahit pa maging magulo
Ipaglalaban ka, Aalayan ka din nang kanta
Kasama mo hanggang sa pagtanda
Hawak kamay nating lalagpasan ang lahat
Sa mundong nakakapagod
Oh, Ikaw ang aking pahinga
Gumagaan ang lahat, kapag nasisilayan kana
Kaya 'wag nang mangamba
Walang dapat ipag-alala
Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi
Labis na ako'y nagagalak
Hinding-hindi ako magbabalak
Na iwanan ka kahit ano man ang balakid sa atin
Dinadalangin na ang pag-ibig mo at ang pag-ibig ko'y
Iisa hanggang huli
'Di na masasaktang muli
Tanging ikaw
Palaging ikaw
Sa mundong nakakapagod
Oh, Ikaw ang aking pahinga
Gumagaan ang lahat, kapag nasisilayan kana
Kaya 'wag nang mangamba
Walang dapat ipag-alala
Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi
Aking mahal ang iyong pangako'y didinggin
Hawak kamay natin itong tutuparin
'Di susukuan, kahit ano mang tampuhan
Panghahawakan nating pagmamahalan
Dinadalangin kong tayo hanggang sa walang hanggan
Sa mundong nakakapagod
Oh, Ikaw ang aking pahinga
Gumagaan ang lahat, kapag nasisilayan kana
Kaya 'wag nang mangamba
Walang dapat ipag-alala
Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi
Sa mundong nakakapagod
Oh, Ikaw ang aking pahinga
Gumagaan ang lahat, kapag nasisilayan kana
Kaya 'wag nang mangamba
Walang dapat ipag-alala
Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi
Palaging nandito lang ako sa'yong tabi
Dito sa'yong tabi