Salok ft. GOODSON & SHAQUIRO Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Dala ko'y karanasan
Sino mang kasalamuha
Kahit sino man
Salok lang hanggang sa maigiban
Tama yung hula
Dapat igiban
Na walang may alam sino ang makakauna
Kahit di kurapan
Dahil sa eksena yung tema
Ng buhay mo'y di mo alam
Kung hanggang san yung gagampanan
Hindi lahat ay kayang tumalon
At magbakasakali kung may dakong paroon
Nakakabagabag mahirap mapanatag
Sa lawak ng gubat mauubusan ka ng tubig sa balon
Marami pang tuyo ang lalamunan
Nakikipagtitigan lang kung sino yung pagkukunan
Ng pagkakataong magkaron pa doon pag naiwanan
Mong bukas at pwedeng pwedeng mapasukan
Hingang malalim!
Habol ng habol nagmamadali
Kahit bakuran mo kung di mo yan babantayan
Lulumutin ka ng lulumutin hanggang sa makalimutan na
Nila kung ano pang meron dyaan
At lagi mong isipin wag mong lang silipin
Salukin mo yung kaalaman hanggang maabot yung limit
Yung pilit ng pilit yun ang madalas nakakasingit
Dahil dun mo makikita kung sino yung mas gutom
Yung sugat humihilom at normal ang matalisod
Mabali man yung plano may pagkakataong mahilot
Madami pang pagsubok bago maabot yung tugatog
Di mo pwedeng maiwasan na magkamali
Kada kalabog asintahin ung ulap,
Wag mong hahayaan na maging alikabok
Bago malasap may paghihirap
Ka munang matatanggap pagkalusot
Mo sa harap isa nalang ang masasabi mo
Dala ko'y karanasan
Sino mang kasalamuha
Kahit sino man
Salok lang hanggang sa maigiban
Tama yung hula
Dapat igiban
Na walang may alam sino ang makakauna
Kahit di kurapan
Dahil sa eksena yung tema
Ng buhay mo'y di mo alam
Kung hanggang san yung gagampanan
Kung yung papel na lamang ay isang piraso
Wag mong awatin ang pagkatao mong maging mapanuri kung papano
Lumaban todohan maitulak yung kakayahan na madugtungan
Pa yung mga puwang sa mga yan,
Kung sanay ka ng matulog ng bitin
Patunay lang may gusto kang gawin
Kung mas nauna yan sayo ay wag mo syang kekwestyunin
Dahil di yan nandyaan kundi yan nag tanim ng nag tanim
Wag kang tulog mantika kung ayaw sumabay ang diwa
Ilag pag ka may nakita kang kaway ng panghihina
Sabak ng sabak suntok tadyak
Ganun dapat wag kang paawat
Kung gusto mong makaiwan ng lamat
Dala ko'y karanasan
Sino mang kasalamuha
Kahit sino man
Salok lang hanggang sa maigiban
Tama yung hula
Dapat igiban
Na walang may alam sino ang makakauna
Kahit di kurapan
Dahil sa eksena yung tema
Ng buhay mo'y di mo alam
Kung hanggang san yung gagampanan