
NALILIGAW (PART II) Lyrics
- Genre:Hip Hop & Rap
- Year of Release:2022
Lyrics
Naliligaw at hindi matanaw
Ang kasalukuyang palagi kong sinisigaw
Lagi lang ba kong mangangamba
Kung san makakarating?
Di ko na alam ang mga plano
Di na umaangat ang aking eroplano
Tila nagkandalito-lito na kasi di na alam ang ruta
Papunta doon sa paraiso
Gusto ko lang naman ay maging mapayapa't
Sarili ay tuluyan na di mapahamak
Napakaraming mga tao na nabigo't
Mga pasaning mabigat, pare di ko kinakaya't
Gustong-gusto ko nang ito ay tantanan
Iwan sa nakaraan
Ang magbago, di alam kung saan ba sisimulan
Daan ay nasaan?
Bakit ko naramdamang
Ang mabuhay sa mundo tila walang kahulugan?
Nasaan na ba ang daan (ang daan)
Bahala na kung san man mapadpad
Sana ako'y mamulat
At aking maisip na
Habang buhay
Di ako titigil hanggang sa aking mahanap,
Makamit ko ito ang aking pinapangarap
Kahit pa mailap ay balang araw sisikat din sa mga ulap, sa gabi ako ay kukutitap
Di man maliwanag pero aking tatahakin
Masulasok man ito ay aking papasukin
Madilim ang bawat pinagdadaanan, pero kung San man ako palarin, ito aking nanaisin na
Maliligaw kahit di na tanaw
Ang kasalukuyang palagi kong sinisigaw
Sakin ay di na mangangamba
Kung san man makarating
Maliligaw
Maliligaw
Maliligaw
Maliligaw
Maliligaw
Maliligaw
Maliligaw