![Regalo](https://source.boomplaymusic.com/group10/M00/12/04/31eb94e678104e1d9ea91df858ae0ed1_464_464.jpg)
Regalo Lyrics
- Genre:Alternative
- Year of Release:2022
Lyrics
Ngayong Pasko na darating, malamang ay mainggit
Sa regalong darating para sa akin
Merong cellphone at relo, meron ding nakakahon
Na PlayStation galing sa Bansang Hapon
Meron ding mga sabon, pabango at may cologne
Para pag may date ako amoy mayaman
May maong at bagong shoes, may damit na kulay blue
Keyboard, mouse, speaker, headset, CPU
Oh Pasko, lapit na'ng dumating
Lumalamig na ang hangin
Sa regalo pinadadaan
Pagmamahal mo sa akin
Nakalimutan ko ba, imported mga delata
Corned beef, spam, may palaman din na nutella
Noodles at may tobleron, kisses at ano ba yon
May cash din, handa ko daw sa salubong
Meron ding nakabukod, para daw sa susunod
Na bumisita sila Tito at si Tita
IPhone na kulay itim, tablet at pitakang green
Huwag mahiya kung may kulang ay sabihin
Oh Pasko, lapit na'ng dumating
Lumalamig na ang hangin
Sa regalo pinadadaan
Pagmamahal mo sa akin
Ngayong Pasko na darating, may kulang sa'king hiling
Na mahagkan kita at syempre din mayakap
Miss na miss na miss na miss ko na
Yung nandirito ka
Nanay ko, kamusta dyan sa Canada
Salamat sa pagtya tyaga
Salamat sa iyong nagawa
Para lang mapabuti aking buhay
Kahit na malayo ka
Sa regalo'y damang-dama
Ang pagmamahal sa akin
Oh Pasko, lapit na'ng dumating
Lumalamig na ang hangin
Sa regalo pinadadaan
Pagmamahal mo sa akin
Pagmamahal mo sa akin
Pagmamahal mo sa akin